3 Legit Online Loan Apps in the Philippines: OLP, Tekcash, and Finbro Review
OLP, Tekcash, and Finbro are legit online loan apps in the Philippines, but they are also controversial because of high interest rates and repayment terms. Here’s what borrowers should know before applying.
May mga loan apps na madalas pag-usapan ng borrowers dahil mabilis silang aplayan, pero kontrobersyal din dahil sa mataas na interest. Sa article na ito, pag-usapan natin ang tatlong loan apps na masasabi nating legit at kilala, pero dapat pag-isipan nang mabuti bago gamitin: Online Loans Pilipinas, Tekcash, at Finbro.
Hindi ito recommendation na umutang kayo agad sa mga app na ito. This is for borrower awareness only. Ibig sabihin, layunin nito na maintindihan ninyo ang pros and cons bago kayo magdesisyon.
1. Online Loans Pilipinas or OLP
Ang unang loan app sa listahan ay ang Online Loans Pilipinas, mas kilala bilang OLP.
Kontrobersyal ang OLP dahil mataas ang interest nito. Pero in fairness, isa rin ito sa mga loan app na madaling aplayan. Simple gamitin ang app, malinis ang interface, at kung ayaw mong mag-install ng loan application sa phone mo, pwede ka ring mag-apply through their website.
Pero bago ka umutang sa OLP, may mga importanteng bagay kang dapat alalahanin.
Una, ang Online Loans Pilipinas ay submitting entity sa Credit Information Corporation or CIC. Ibig sabihin, kung uutang ka dito at hindi ka makakabayad on time, possible na makaapekto ito sa credit history mo. Pwede itong maging negative record sa CIC, depende sa reporting at loan status mo.
Pangalawa, yung 0% interest nila sa first loan ay totoo naman, pero very short-term lang ito. Usually, 10 days lang. So within 10 days, kailangan mo na siyang bayaran.
Possible na magkaroon ka ng bagong offer after payment, pero hindi ito guaranteed. May ilang borrowers sa community na nagsasabi na hindi nila kinukuha agad ang next offer after paying the first loan dahil minsan may possibility na tawagan sila ng agent at offeran ng installment. Pero again, hindi ito guaranteed.
Ang pinakaimportante, mataas talaga ang interest ng OLP. May mga offer na pwedeng umabot ng 40% plus sa loob ng isang buwan, depende sa terms na ibibigay sa iyo. Kaya bago ka umutang, huwag mo lang isipin kung maa-approve ka. Mas importante na tanungin mo ang sarili mo: kaya ko ba talaga itong bayaran on time?
2. Tekcash
Ang pangalawa sa listahan ay ang Tekcash.
Yes, Tekcash po. Medyo kontrobersyal din ito dahil mataas din ang interest niya, at base sa ilang computation na nakikita ng borrowers, minsan mas mataas pa kaysa Online Loans Pilipinas.
Ang Tekcash ay under Tekwang Lending, at SEC registered din ito. Isa rin sa dapat alalahanin ng borrowers, submitting entity rin ito sa Credit Information Corporation or CIC. So kung hindi ka makakabayad, possible din na makaapekto ito sa iyong credit records.
Pagdating naman sa collection practice, base sa mga nagbabahagi sa community, may mga borrowers na nagsasabi na mapakiusapan naman si Tekcash, especially kung overdue na. May ilan ding nagsasabi na more on reminder or pakiusap ang dating ng messages nila.
May isang borrower din na nagbahagi na nakautang siya ng 3,000 pesos at naging overdue, pero hindi raw siya nakaranas ng harassment. Friendly lang daw ang text messages at more on pakiusap na magbayad.
Pero guys, hindi ibig sabihin nito na okay na okay na siya. Iba-iba pa rin ang experience ng bawat borrower. At ang pinakaimportante pa rin dito ay ang interest.
Base sa mga computation na nakikita sa community, in just 15 days, pwedeng umabot sa around 45% ang interest. So kung mataas na ang OLP sa 30 days, sa Tekcash, mas mabilis mong mararamdaman ang bigat ng interest dahil mas maikli ang term.
Kaya kung uutang ka sa Tekcash, siguraduhin na alam mo ang total amount na babayaran, kailan ang due date, magkano ang interest, at kung kaya mo ba talagang bayaran on time.
3. Finbro
Ang pangatlo ay ang Finbro.
Ang Finbro ay mabilis din aplayan, at kung ayaw mong mag-install ng app, pwede ka ring mag-apply directly sa kanilang website.
Pero ito ang dapat mong alalahanin sa Finbro. Sa first loan, kadalasan may interest na agad within 30 days. Sinasabi kong kadalasan dahil pwedeng magbago ang offer depende sa borrower, campaign, promo, or system evaluation.
Base sa personal experience ko, hindi ako nakakuha ng 0% interest sa Finbro. At isa pang dapat tandaan, kadalasan ay isang bagsakan ang bayad. Hindi siya installment. So kahit ma-offeran ka ng medyo malaking amount, kailangan mong tandaan na isang bagsakan mo rin siyang babayaran.
Ang maganda lang sa Finbro compared sa dalawang nauna, may tinatawag silang Borrower’s Advantage Package. Pwede mo itong i-uncheck kung meron kang proof of income or payslip.
So kung may payslip ka, make sure na i-check nang mabuti ang application page. Kung may Borrower’s Advantage Package at hindi mo naman kailangan, pwede mo itong i-uncheck at i-upload ang iyong payslip as proof of income.
Marami rin sa community ang nagsasabi na may mga discount code si Finbro. Minsan may 50% discount, depende sa offer or code na ibinibigay. Pero huwag umasa agad. Tingnan pa rin ang actual computation sa app or website bago ka mag-confirm ng loan.
Kumusta ang Collection Practice ng OLP, Tekcash, at Finbro?
Base sa mga naririnig, nababasa, at ibinabahagi ng borrowers sa community, ang tatlong ito — OLP, Tekcash, at Finbro — ay hindi karaniwang ikinukumpara sa mga OLA na sobrang aggressive maningil.
Sa OLP, marami ang nagsasabi na usually automated calls and automated text messages ang natatanggap.
Sa Tekcash, may mga borrowers na nagsasabi na pakiusap ang dating ng messages nila.
Sa Finbro, marami rin ang nagsasabi na hindi siya ganun ka-aggressive compared sa ibang loan apps.
Pero importanteng linawin ito: hindi ito conclusive. Iba-iba talaga ang experience ng bawat borrower sa bawat loan app. Hindi porke okay ang experience ng iba, guaranteed na ganoon din ang magiging experience mo.
Bakit Pa Sila Pinag-uusapan Kung Mataas ang Interest?
Simple lang. Hindi natin sila pinag-uusapan para i-promote. Pinag-uusapan natin sila para magkaroon ng borrower awareness.
Kasi iba-iba ang sitwasyon ng bawat tao. May mga borrowers na gustong umutang sa mas kilalang options tulad ng BillEase, Tala, Mabilis Cash, JuanHand, or Cashalo, pero may mga pagkakataon na hindi sila naa-approve.
And what if emergency talaga? What if kailangan ng pantawid? What if breadwinner ka at wala ka nang ibang malapitan?
Hindi rin naman madaling sabihin na “huwag kang umutang” kung ang tao ay nasa gipit na sitwasyon. Pero ang importante, kung uutang ka man, mas okay na alam mo ang pros and cons kaysa pumasok ka sa mas delikadong OLA.
Mas mabuti nang pag-aralan muna ang legit at registered na options kaysa mapunta sa 7-day OLA na hindi SEC-registered, hindi mo makukuha nang buo ang loan, tapos grabe pa mang-harass.
May ibang OLA na technically hindi pa nga 7 days ang term. Minsan 6 days lang kasi counted na nila ang araw na nangutang ka. May iba pa na nagbabanta, nagko-contact ng contacts mo, or nagbabanta na ipopost ka sa social media tulad ng Facebook. Ito yung mga bagay na talagang nakakasira ng mental health ng borrowers.
Kaya again, hindi ibig sabihin na recommended agad ang OLP, Tekcash, at Finbro. Ang sinasabi lang natin dito, kung wala ka nang ibang option at kailangan mo talaga, mas okay na alam mo ang risks, interest, due date, at possible consequences bago ka mag-confirm ng loan.
Mas Okay Bang Unahin ang Ibang Loan Apps?
Kung tatanungin ninyo ako, mas okay pa ring subukan muna ang ibang options na mas kilala sa mas borrower-friendly terms, depende sa offer na makukuha ninyo.
Usually, mas okay na unang tingnan ang mga options tulad ng:
BillEase, Tala, Mabilis Cash, JuanHand, and maybe Cashalo.
Hindi rin guaranteed na maa-approve ka sa mga ito, pero mas okay na subukan muna ang mga mas kilala at mas pinagkakatiwalaan ng maraming borrowers bago pumasok sa mas mataas ang interest.
Final Reminder Bago Uutang
Bago ka umutang sa kahit anong loan app, laging basahin ang terms. Huwag basta pindot nang pindot.
Tingnan mo muna ang:
- total amount na matatanggap mo;
- total amount na babayaran mo;
- due date;
- interest;
- processing fee or service fee;
- penalties kapag late payment;
- at kung may add-on package na pwedeng tanggalin.
Siguraduhin na kaya mong bayaran on time. Kasi kahit legit ang isang loan app, kung mataas naman ang interest at hindi mo kayang bayaran, pwede ka pa ring malubog sa utang.
Pwede mo ring basahin kung ano ang laman ng iyong CIC credit report para mas maintindihan mo kung paano nakikita ang mga credit-related information na naisusumite ng lenders.
At kung iba ang nakita mo during application, tapos after confirmation ay biglang iba na ang interest, due date, or total amount na babayaran, pwede kang magreklamo sa Securities and Exchange Commission or SEC, dahil may batas tayo tungkol sa proper disclosure ng loan terms, including the Truth in Lending Act.
Again, this is not financial or legal advice. This is for general information and borrower awareness only.
Ang pinakaimportante: bago umutang, magbasa, mag-compute, magkumpara, at alamin ang iyong mga karapatan.
Affiliate Disclosure:
Some links in this article may be affiliate links. This means UsapangUtang.com may earn a small commission if you apply, sign up, or take action through these links, at no extra cost to you. However, this does not affect our opinion, review, or borrower awareness content. We still encourage you to compare loan terms, check interest, fees, due dates, and make sure you can repay before applying. This article is for general information and borrower awareness only, not financial or legal advice.